Kapalaran ni Vargas, nasa kamay ng POC Comelec

Ni ANNIE ABAD

MAY eleksyon o wala sa Philippine Olympic Committee (POC)?

Ito ang malaking katanungan matapos ibitin ng POC Comelec ang desisyon hingil sa kung papayagan si boxing chief Ricky Vargas na tumakbo sa pangkapangulo para labanan ang incumbent president na si Jose ‘Peping’ Cojuangco ng equestrian.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nagsumite ng candidacy si Vargas nitong Miyerkules, kasama si cycling chief Abraham ‘Bambol’ Tolentino bilang chairman, gayundin si table tennis prexy Ting Ledesma.

Sa isinagawang extra-ordinary POC general assembly meeting nitong Lunes, napagkasunduan na magkaroon ng election batay sa ipinag-utos ng Pasig Regional Trial Court, ngunit ang usapin hingil sa ‘active membership’ na humarang kay Vargas sa nakalipas na election ay hindi napagkasunduan, dahilan para magduda ang kampo ng boxing chief na gagamitin itong muli laban sa kanya.

Nagbuo rin ng POC Comelec na pinamumunuan ni dating Philippine representative to the IOC Frank Elizalde – parehong grupo na namahala at humarang kay Vargas noong 2016.

Bilang paniniguro na hindi na ito mauulit, lumagda sa isang petition paper ang 27 national sports association kung saan hinihiling nila na payagan si Vargas na lumaban sa POC presidency.

‘Sabi ng Pasig RTC dapat payagan ni Mr. Vargas na tumakbo, dahil hindi naman talaga kalro yung probisyon sa ‘active membership,’ pahayag ni dating POC Chairman Monico Puentebella ng weighlifting.

Batay sa POC Comelec, ang ‘active membership’ ay kailangan na may physical presence’ sa bawat gawaiin o pagpupulong ng POC.

“Hindi yan ganoon. Iba ang interpretation eh!. boxing is one of the successful NSA in the international meet. Lagi nga tayon qualify sa Olympics boxing eh!, tapos sasabihin ninyo hindi active member yung presidente nila,’

‘Kapoy uy!, sambit ng dating Bacolod City Mayor at Congressman.

Ayon sa utos ng Pasig Regional Trail Court sa sala ni Judge Maria Gracia Cadiz-Casaclang noong Disyembre ng nakaraang taon na magsagawa ng panibagong eleksyon kung saan ikunsidera ang kandidatura nina ABAP president Ricky Vargas at Bambol Tolentino sa pagtakbo bilang presidente at chairman ng kumite.

Ngayong araw na ito rin malalaman kung papayagan na kumandidato ang dalawang personalidad gayung kinuwestyun ng POC ang pagiging lehitimong miyembro ng dalawa sa General Assembly.

Kabuuang 43 National Sports Associations (NSAs) at dalawang atleta kabilang sina Henry Dagmil ng athletics at Hidilyn Diaz ng weightlifting ang nakatakdang bumoto para sa eleksyon ngayon.

“I am very happy with the support that has given by variuos NSAs. It’s time for a change and reform,” sambit ni Vargas.