Ni ADOR SALUTA

IBINIDA ni Richard Gutierrez sa thanksgiving party ng La Luna Sangre, na magwawakas na sa loob ng dalawang linggo, na binuhay ng ABS-CBN ang kanyang career na namahinga makaraang magkaproblema siya sa GMA-7, ang kanyang dating network.

071417- copy copy

Nagpapasalamat siya sa Dreamscape Entertainment na nagtiwala sa kanyang kakayahan bilang aktor. Halos tumakbo ng 10 months ang role niya bilang si Sandrino, ang hari ng mga bampira na sabi niya ay napaka-challenging.

Tsika at Intriga

Denise Julia, namaalam muna sa socmed matapos bembangin ni BJ Pascual

Kaya after La Luna Sangre, nais niyang magpahinga para asikasuhin ang panganganak ng kanyag misis na si Sarah Lahbati.

“This March na siya manganganak, aasikasuhin ko muna siya. Pagkatapos nitong serye, magpapahinga po muna ako.

Pagkatapos nito wala pa po talaga (next serye assignment). As in now naka-concentrate kami sa La Luna lalo na’t matatapos na. But may gagawin akong movie with Star Cinema,” lahad ni Richard na ang tinutukoy ay ang pelikulang pagsasamahan nila nina Angelica Panganiban at Angel Locsin sa Star Cinema.

Kahit daw dark ang kanyang role as Sandrino, hindi naman daw ito ikinagalit ng viewers.

“Kahit papaano naintindihan ng audience kung bakit niya ginagawa ito. Minsan si Sandrino, dahas ang gusto. Pero sana parang sa ending, sana ang gusto ko makuha ng audience yung core ni Sandrino kung bakit niya ginagawa lahat ng ito,” paliwanag ni Richard.

Kaabang-abang daw ang mga pasabog pang mga eksena sa pagtatapos ng teleserye.

Lalabas bany magkapatid sila ni Tristan (Daniel Padilla) sa ending?

“Yung last few remaining days biglang may twist, ‘yun ang dapat nating abangan pero sa pagkakaalam ko magkapatid sila,” nakangiting sagot ni Richard.