Ni Fer Taboy

Binaril at napatay ng mga hindi nakilalang lalaki si Ronda, Cebu Vice Mayor Jonnah John Ungab, abogado ng suspected drug lord na si Kerwin Espinosa, nang tambangan ito sa Cebu City, Cebu kahapon.

Sa report na natanggap ng Camp Crame mula sa Police Regional Office-7(PRO-7), kagagaling lamang sa hearing ni Ungab sa kaso ni Espinosa habang sakay ng kanyang Kizashi car nang maganap ang pananambang, malapit sa Hall of Justice sa Sergio Osmena St., North Reclamation Area ng lungsod na ito.

Nagtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo si Ungab at isinugod Chong Hua Hospital sa Mandaue City ngunit namatay din ito.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Si Ungab, bise alkalde ng Ronda at nagsilbing abogado ni Espinosa at tumatayo rin abogado ni Kenneth Dong matapos iugnay sa P6.4 bilyong shabu shipment na nakalusot noon sa Bureau of Customs ngunit inimbestigahan ng Senado.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga suspek at ang kanilang motibo.