LOS ANGELES(AP) — Umabot sa 12 taong ang pinaghintay ni Tiger Woods para makabalik sa Riviera. At dalawang araw lamang ang itinagal nang kanyang pagbabalik.
Naitala ni Woods ang tatlong sunod na bogeys sa back nine para sa 5-over 76 sa second round nitong Biyernes (Sabado sa Manila), sapat para ma-cut sa Genesis Open sa kauna-unahang pagkakataon sa siyam na paglalaro sa Riviera bilang pro.
Naitala niya ang kabuuang 6-over 148 matapos ang 36 rounds, isang puntos ang layo sa pinakamasamang laro niya sa PGA Tour bilang 16-anyos na rookie sa Riviera.
“I missed every tee shot left and I did not putt well, didn’t feel very good on the greens,” pahayag ni Woods. “And consequently, never made a run. I knew I had to make a run on that back nine, and I went the other way.”
Matikas naman ang laro ni Patrick Cantlay na umiskor ng tatlong sunod na birdies sa front nine tungo sa 69 at makisosoyo kay Graeme McDowell (66) sa liderato tangana ng parehong 7-under 135.
Sa kabila ng panibagong kabiguan, handa si Woods sa muling paglalaro sa Tour sa Honda Classic sa PGA National sa Florida.
“I need some tournament rounds,”sambit ni Woods.