Ni NITZ MIRALLES

DIREKTOR na rin pala si Jericho Rosales. 

Inaakala ng mga nakakita sa post niya ay pelikula ang “True Wanderer 2018” pero ayon sa source namin ay Asia-Pacific wide competition ito na sponsored ng isang American denim brand. 

jERICHO copy

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Gayunpaman, tiyak na masayang-masaya ang aktor while calling the shots.

So, kaya walang masyadong detalye para sa mga nagtatanong kung pelikula ang ginagawa ni Jericho at kung sino ang producer, sinu-sino ang cast p kung kasama rin ba siya sa cast. 

Ang caption lang kasi sa ipinost niyang picture na kasama niya ang isang cameraman at ‘yung picture na may hawak siyang megaphone ay, “Coming very very soon.”

Isa sa mga nag-comment sa post ni Jericho si Direk Paul Soriano, director ng Siargao, a 2017 MMFF entry starring Jericho and Erich Gonzales. 

“Yezzz! Nice one bro” ang comment ng director.

Kung pelikula rin sana ito, si Jericho ang susunod kay Coco Martin na aktor na pumasok na rin sa pagdidirek ng pelikula.