Ni Mary Ann Santiago
Mahigit na sa 8,000 Albayanong bakwit ang nagkakasakit nakalipas na isang buwan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Sa listahan ng Department of Health (DoH), may kabuuang 8,193 ang binigyan ng atensiyong medikal simula noong Enero 15 hanggang Pebrero 13.
Ang 68 porsiyento o 5,347 sa nasabing bilang ay may mga kaso ng Acute Respiratory Infection, na sinusundan naman ng lagnat na may 1,070, o 11 porsiyento na kaso nito.
Nasa 644 o 7 porsiyento naman ay dumanas ng alta-presyon o
Hypertension, 538 o 7 porsiyento ang kaso ng diarrhea, habang 360 o 4 porsiyento naman ang nagkasugat.
Aabot na rin sa P31.6 milyon logistical support ang naipadala ng DoH-Region 5 sa Albay, na napapakinabangan na ng mga residente.