Ni Mary Ann Santiago
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso kahapon, idinaan ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) sa “hugot lines” ang mga paalala nito sa maingat na pagbibiyahe sa kalsada.
Kahapon ay nagpaskil ng sari-saring hugot lines ang DOTr sa Facebook page at Twitter account nito para paalalahanan ang mga public utility vehicle (PUV), commuters at iba pang motorista na mag-ingat sa kanilang biyahe.
Kabilang sa mga hugot ng DOT rang, “Kung mahal mo, dapat nasa lugar ka”, na paalala sa paggamit sa tamang tawiran.
“Kung mahal mo, huwag mong pahirapan,” hugot pa ng DOTr para paalalahanan ang mga driver na huwag pahirapan ang mga pasahero sa kanilang mga kakarag-karag, bulok, at mausok na sasakyan.
Anang DOTr, ang pinakamabuting gawin umano ng mga tsuper ay suportahan ang PUV modernization program dahil makapaghahatid ito ng ligtas na biyahe sa mga pasahero.
Ang iba pang hugot ng DOTr ay, “Kung hindi mo na mahal, magpaalam ka”; “Beshie, magpahiwatig ka kung lalayo ka na.
Mahirap kasi kung ‘yung kasabay mo, steady lang, pero ikaw, nagmamadali na palang mang-iwan. Signal-signal ‘pag may time.”