Ni Light A. Nolasco
ALIAGA, Nueva Ecija - Hindi nakapalag ang isang lolo nang arestuhin ito ng mga operatiba ng Aliaga Police sa Barangay Sto. Tomas sa nasabing bayan ng Nueva Ecija nitong Lunes ng hapon.
Ang suspek na si Renato San Antonio, 72, walang trabaho, ng nasabing barangay ay nakapiit ngayon sa himpilan ng Aliaga Police sa dalawang bilang ng rape.
Sa record ng pulisya, tinutugis na si San Antonio simula pa noong Agosto 29, 2012 sa nasabing kaso ng panghahalay, na nakabimbin sa sala ni Judge Teresita Cativo, ng Regional Trial Court Branch 26 sa Cabanatuan City.