Ni Nitz Miralles

ISA ang ginagampanang role sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa most challenging role para kay Yasmien Kurdi. Bukod sa rape victim, bilang si Thea ay HIV+ patient din siya. Dalawang mabibigat na problema ang dala-dala ng kanyang karakter na kailangan niyang maiarte ng tama at hindi sobra.

yASMIEN copy copy

“Mabigat at sensitive ang story ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, kinailangan naming um-attend ng seminar para mas maintindihan ang story at role namin. Pero, kapag naiparating namin sa viewers ang objective ng soap, matutuwa kami.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Magiging worth it ang puyat at pagpapagod namin,” wika ni Yasmien.

Advocaserye ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka at gustong palaganapin ng soap sa viewers na hindi AIDS ang HIV, huwag agad huhusgahan ang mga nagtataglay ng karamdamang ito. Ang pinakaimportante, tuturuan ang viewers kung paano makakaiwas sa HIV.

Hindi sa soap na ito unang gaganap bilang rape victim si Yasmien, maraming beses na, sabi niya. Nang biruin ng press na siya ang “Rape Queen,” umaray ang aktres, hindi raw kagandahan ang title at ibig sabihin, ayaw niya.

Sa February 26 na magsisimulang mapanood ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Sa pilot week pa lang, matitinding eksena na agad ang mapapanood. Hindi ito magpapahuli sa ganda nang papalitang Haplos.