Ni Marivic Awitan

INANGKIN ng University of the East ang ika-anim na sunod na titulo sa men’s division at ika-11 kampeonato sa women’s side nang madomina ang UAAP Season 80 fencing tournament nitong Linggo sa PSC Fencing Hall sa Philsports Complex sa Pasig City.

Sa pamumuno ni season MVP Sammuel Tranquilan, humakot ang UE ng apat na ginto, tatlong silver at isang bronze medal para gapiin ang University of Santo Tomas na tumapos na runner -up sa ikalimang sunod na pagkakataon matapos magwagi ng 2-3-2 gold, silver at bronze meda.

Nanguna si tournament MVP Wilhelmina Lozada sa pagkopo ng UE ng limang ginto at dalawang silver medal sa women’s side. Nakahulagpos lamang sa kanila ang women’s sabre team gold na nakuha ng University of the Philippines.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Bukod sa team sabre gold, nagwagi rin ang Lady Maroons ng silver at dalawang bronze medals para sa tumapos na runner-up honor.

Pumangatlo ang De La Salle kapwa sa men’s at women’s division sa napanalunang apat na bronzes, at 3 silvers at dalawang bronze, ayon sa pagkakasunod.

Nagwagi din Junior Warriors para sa kanilang ikawalong sunod na titulo sa boys’ division at ikapitong dikit naman sa girls sa pangunguna nina Prince John Francis Felipe at Samantha Catantan na nahirang namang back-to-back boys at girls division MVP lahat ito sa paggabay ni coach Rodolfo Canlas.