Cast ng significant other copy

Ni Reggee Bonoan

TINANONG sina Erich Gonzales at Lovi Poe sa presscon ng The Significant Other kung may nasabihan na sila ng, ‘Ano’ng tingin mo sa sarili mo, perpekto?’ na isa sa famous lines sa The Significant Other.

“Wala po,” sabi ni Lovi, “siguro sa mirror lang, ha-ha, I’m just kidding. Why I’m always joking, it’s not even funny.” At seryoso nang sabi niya, “I don’t remember saying that kahit kanino po.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

O nasabihan na ba si Lovi ng, ‘Ano’ng tingin mo sa sarili mo, perpekto?’ 

“Not in front of me.”

“Wala pa rin po akong nasabihan at sinabihan ako,” sabi naman ni Erich.

Samantala, inamin ng dalawang aktres na matitindi ang mga sampalan nila sa pelikula kaya hindi naiwasang magkasakitan dahil ayaw ni Direk Joel Lamangan na pinipeke ang pananampal.

“Artista po tayo, kapag may mga ganu’n eksena kailangang prepared po tayo, alam n’yo na magkakasakitan, given na po ‘yun basta para po sa amin (ni Lovi), gusto lang naming maging totoo at mapaganda po ang eksena at maibigay kung ano ‘yung hinihingi ng istorya,” sabi ni Erich.

May umagos nga bang dugo mula kay Erich sa isang eksena?

“Dapat po kasi walang suot na jewelry or accessory. Siyempre may mga ganu’n pangyayari na hindi maiwasang accident o pangyayari but all is well. Me and Lovi we’re super okay, we’re good friends and hindi naman po ako napikon, parte po iyon ng trabaho. Kung ano po ang hinihingi (sa eksena), we’re just delivered po.”

Natanong si Erich kung bakit “Lodi Poe” ang tawag niya kay Lovi.

“Lodi in so many ways, kasi po inspiration, healthy, like pa-vorta work out ganyan, kaya ‘Lodi Lovi’ idol ko. And sobrang masaya po ako kasi nagkaroon ako ng chance na makipagtrabaho sa iba. At wala kaming naging problema sa isa’t isa off-cam,” say ni Erich.

First time maidirek si Erich ni Joel Lamangan na pinuri niya.

“Masaya po ako dahil nabigyan ako ng ganitong oportunidad, marami akong natutunan sa kanya at may ibang estilo po siya. Gusto ko rin pong maka-experience na makatrabaho ang iba’t ibang actors at direktor sa ibang network,” nakangiting kuwento ng dalaga.

Ang The Significant Other ay mula sa Cineko Productions at Star Cinema, mapapanood na sa Pebrero 21.