Barbie at JM
Barbie at JM
PARA sa kanyang showbiz comeback mula nang magpa-rehab, hindi si Jessy Mendiola  but a much younger leading lady ang ipapareha  kay JM de Guzman, ang napakaganda at teenage star na si Barbie Imperial.

Sila ang magtatambal sa teleseryeng Araw Gabi via Precious Hearts Romances (PHR).

Ito ang inihayag sa Instagran account ng  RSB Drama Unit ni Direk Ruel S. Bayani noong February 10.

Ito ang magiging biggest break ni Barbie sa kanyang career. 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Unang napansin si Barbie noong 2015 nang mapasama siya sa Pinoy Big Brother: 737. Sa Day 14, na-evict ang teenstar sa bahay ni Kuya.

Nakasama na ni Barbie si JM on her first TV show All of Me, where she had a supporting role.

The 19-year-old actress also did the Langit Lupa (2016) and La Luna Sangre (2017).

She is also a member of It’s Showtime’s girl group GirlTrends.

Ang Precious Heart Romance: Araw Gabi ay ididirihe nina Don Cuaresma, Myla Ajero-Gaite, at Theodore Boborol.

Si Direk Boborol din ang naging direktor ni JM sa top-rating show Angelito: Batang Ama noong 2011. Nagkaroon ito ng sequel titled Angelito: Bagong Yugto in 2012. --Ador Saluta