OAKLAND, California (AP) — Hataw si Klay Thompson sa naiskor na 25 puntos para pangunahan ang Golden State Warriors sa 122-105 panalo kontra San Antonio Spurs nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nag-ambag si Stephen Curry ng 17 puntos at walong assists para ipagkaloob kay coach Steve Kerr ang ika-250 career coaching victory. Kumubra si Draymond Green ng 17 puntos, 11 assists at walong rebounds, habang nalimitahan si Kevin Durant sa 10 puntos.

Nanguna sina LaMarcus Aldridge at Kyle Anderson sa San Antonio sa naiskor na tig-20 puntos.

Ito ang ikatlong kabiguan ng Spurs sa apat n laro, sakabila ng impresbong 129-81 panalo sa Phoenix bago bumiyahe sa Oracle.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA