DAVAO CITY – Pinangasiwaan nina Olmpics boxing medalist Mansueto “Onyok” Velasco (1996 Atlanta) at Philippine Sports Commission Commissioner (PSC) Charles Raymond A. Maxey ang opening rites ngayon sa Pacquiao Amateur Boxing Cup Mindanao quarterfinals set sa Kidapawan City Gym.

Naimbitahan din para sa kanilang mensahe sina Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista.

Babatiin niya ang mga batang kalahok mula sa Davao City, Cagayan de Oro City, General Santos City, Sarangani, Malaybalay, Digos City, Sultan Kudarat, Koronadal City at Polomolok, South Cotabato.

Ang PSC-Pacquiao Amateur Boxing Cup ay magkatuwang na ibinibida ng Philippine Sports Institute (PSI) at Amateur Boxing Alliances in the Philippines (ABAP).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon kay PSC Chairman William “Butch” Ramirez, marubdob ang kampanya ng pamahalaan para masiguro ang kahandaan ng kabataan na posibleng magamit sa kampanya ng bansa sa international tilt.

Ang lahat ng medalists mula sa Luzon, Visayas at Mindanao ay makakasungkit ng slots sa national championship.