Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at ANTONIO L. COLINA IV

Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtungo sa Kuwait upang personal na iapela sa gobyernong Kuwaiti ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga overseas Filipino worker (OFW) doon, na ayon sa kanya ay “oblivious” ang nasabing bansa sa mga reklamo ng mga minamaltratong Pinoy.

Ito ang inihayag ng Pangulo nang magalit sa Kuwaiti government kaugnay ng pagkamatay ni Joanna Daniela Dimapilis, ang Pinay domestic helper na ang bangkay ay natagpuan sa freezer ng isang apartment na mahigit isang taon nang abandonado.

Ayon kay Duterte, ang pagbisita niya sa Kuwait ay para makipagpulong kay Kuwaiti Ambassador to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Pero may plano ako to plead my case there, before them. Kailangan ‘yan, eh,” sinabi ng Pangulo sa mga mamamahayag sa Davao City nitong Biyernes ng gabi.

Kaugnay nito, ipinagpatuloy ng Pangulo ang ipinatutupad na deployment ban ng OFWs sa Kuwait.

Sinabi rin ng Pangulo na pauuwiin na niya sa Pilipinas ang mga OFW na nais bumalik sa bansa sa loob ng 72 oras, idinagdag na hihilingin niya ang tulong ng Philippines Airlines at Cebu Pacific para sa transportasyon ng mga ito.

“We will count our lives by the hour because apparently every hour there is a suffering and agony, brutality committed against Filipinos,” anang Presidente.

Ayon kay Duterte, handa siyang gawin ang “drastic steps that will help preserve Filipino life and limb” kapag nagpatuloy na nagbingi-bingihan ang mga dayuhang gobyerno sa pagkakaloob sa mga OFW ng proteksiyon at hustisya “within the limits that their laws”.

“When will this inhuman treatment of our Filipino workers end? When will the upliftment of their human dignity begin?

To the Kuwaiti government and all others where our OFWs work, we seek and expect your assistance in this regard,” anang Pangulo.

“We do not seek special treatment or privileges for our workers, but we do expect respect for their dignity and basic human rights. Keep them free from harm. I implore you,” dagdag pa ni Duterte.