Ni Nora Calderon

MASAYANG-MASAYA si Barbie Forteza nang makausap namin at ibalita na after ng pumatok na romantic-comedy series niyang Meant To Be with Ken Chan, Jak Roberto, Ivan Dorschner at Addy Raz, balik na siyang muli sa primetime.

BARBIE copy

“Ang saya-saya ko po, dahil bukod sa balik-primetime ako, on location pa ang bago naming romantic-comedy series, ang Inday Will Always Love You,” kuwento ni Barbie. “Sa Cebu po kami maglo-location at ipu-produce ito ng GMA Public Affairs. Makakasama ko sina Derrick Monasterio at Juancho Trivino. Si Ms. Gladys (Reyes) po ang magiging nanay ko.”

Karina Bautista, PH navy reservist na

Dapat ay si Glydel Mercado ang magiging nanay ni Barbie pero hindi ito pinayagan ng The Stepdaughters dahil nga on location ang serye sa Cebu.

Tuwang-tuwa rin ang fans ni Barbie nang i-post niya sa Instagram ng kanyang bagong project, dahil miss na miss na raw siya ng mga ito.

Bilang paghahanda sa bagong show, nag-post si Barbie sa kanyang IG story habang tinuturuan silang magsalita ng Cebuano. Post niya, “Laban guys, Cebuano pa more @derrick monasterio @juanchotrivino.”

Tamang-tama lang ang pagsisimula ng bagong TV project dahil tapos na ang shooting nila ni Derrick ng pelikulang Almost A Love Story na kinunan sa Italy, sa direksyon ni Louie Ignacio for BG Productions ni Ms. Baby Go.

Every Sunday naman ang Sunday Pinasaya ni Barbie kaya hindi nito maaapektuhan ang taping niya sa Cebu.