Ni Ellalyn De Vera-Ruiz

Isang low pressure area (LPA) ang inaasahang papasok ngayong Linggo sa Philippine area of responsibility (PAR) at posibleng maging isang bagyo.

Sa weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), kapag tuluyan nang nakapasok sa bansa, malaki ang posibilidad na mabubuo ito bilang bagyo at tatawagin itong ‘Basyang’.

Ang LPA ay huling namataan kahapon sa silangan ng Mindanao at wala pang magiging epekto nito sa bansa.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nilinaw ng PAGASA na maaapektuhan pa rin ng northeast monsoon (amihan) ang Luzon, na magreresulta sa maulap na kalangitan na magpapaulan sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, habang mararanasan naman ang kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region.

Paglilinaw ng PAGASA na kapag naging bagyo na ang LPA, maaapektuhan nito ang Eastern Mindanao at ang katimugan ng Eastern Visayas, at magdudulot ng malakas na ulan sa Lunes.