BAHRAIN (PNA) -- Kinapos ang Team Philippines laban sa Singapore, 1-2, sa best-of-three tie ng Fed Cup Asia/Oceania Zone Group 2 competition nitong Huwebes sa Bahrain Tennis Federation hard courts.

Nabigo si Anna Clarice Patrimonio kay Charmaine Shi Yi Seah, 3-6, 7-6 (2), 1-6 sa first singles, habang olats din si Filipino-German Katharina Lehnert kay Stefanie Tan, 2-6, 2-6, sa second singles. Napigil naman ng tambalan nina Marian Jade Capadocia at Khim Iglupas ang pagkabokya ng Pinay sa magaan na panalo kontra kina Lynelle En Tong Lim at Tammy Tan, 6-1, 6-1, sa doubles event.

Bunsod ng kabiguan, nanatili ang Philippines sa Group 2 tie, habang haharapin ng Singapore ang Pacific Oceania sa promotional playoff semifinal para malaman kung sino ang makakausad sa Group 1 sa susunod na taon. Nanguna ang Pacific Oceania sa Pool C matapos sibakin ang Iran (3-0), Oman (3-0) at Malaysia (3-0).

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA