Ni Nitz Miralles

NAGTATANONG ang viewers ng The One That Got Away kung mawawala na sa cast si Ayra Mariano.

Sa episode kasi last Thursday (February 8), pumunta sa Cebu ang karakter ni Ayra na si Ekay dahil doon nagkatrabaho o OJT. Kapag nawala si Ekay, ano na raw ang mangyayari sa bini-build up na love team nila ni Migo Adecer sa TOTGA?

aYRA copy copy

Karina Bautista, PH navy reservist na

Kung sakaling mawawala nga ang karakter ni Ayra sa sexy rom-com series, may rason at patuloy pa rin siyang mapapanood dahil may bago siyang show. Magsisimula na ang taping ng bagong morning show na kasama siya sa cast at pagbibidahan nina Camille Prats at Neil Ryan Sese at ng love team nila ni Bruno Gabriel.

Sa March na raw ang pilot ng bagong morning show na hindi na Close To You ang title kundi May Forever Tayo.

Kapag umere na ang morning serye habang airing pa ang TOTGA, twice a day na mapapanood si Ayra at bawal ito sa GMA-7.

Sa morning show, ang love team naman nina Ayra at Bruno ang ibi-build up na nagklik sa G.R.I.N.D. na wish pa rin naming ibalik sa mas maganda at earlier time slot.