Ni Marivic Awitan

HATAW si Juan Paulo Macasaet ng no-hit, no-run sa loob ng limang inning para sandigan ang defending champion Ateneo sa abbreviated eight-inning 11-0 panalo kontra National University nitong Miyerkules sa UAAP baseball tournament sa Rizal Memorial ballpark.

Pinahanga ng league MVP ang manonood sa impreibong strike out limang nakaharap na NU batters tungo sa ikalawng sunod na panalo ng Blue Eagles batter.

Kumana naman si Conrado Lorenzo Banzon ng apat sa limang nakaharap para pangunahan ang 14-hit surge ng Blue Eagles.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Pinangunahan niya koponan sa 14-hit surge, kabilang ang lima sa opening frame. Sinandigan niya ang four run attack ng Ateneo sa first inning, tampok ang triple sa right-center bago dinaanan ang plate para sa single na nilikha ni centerfielder Marco Luis Mallari.

Nagwagi naman ang Adamson University sa University of the Philippines, 8-5.