Ni Mina Navarro

Plano ng Department of Labor and Employment (DoLE) na magsagawa ng isang-linggong job fair para alukin ng mga trabaho sa Pilipinas ang mga manggagawang Pilipino na nasa Qatar at Saudi Arabia, at makumbinse ang mga itong umuwi na sa bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may 18,000 trabaho ang maaaring ialok ni dating Senador Manny Villar mula sa kanyang pribadong construction firm.

Sa ngayon, aniya, ay kinukuha na ang mga profile ng OFWs sa Gitnang Silangan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Idagdag pa na nangangailangan ngayon ang Department of Education (DepEd) ng 2,000 guro, na tatanggap ng P21,000 buwanang sahod.

Prioridad ng kagawaran na mapabalik ang mga OFW na nawalan trabaho dahil sa diplomatikong krisis sa Qatar, at sa iba pang mga Arab country.