Sa Los Angeles, ligtas na sa trade si Lou Williams
Siniguro ng Los Angeles Clippers na hindi maililipat sa ibang koponan ngayong season si Williams nang palagdain ng multiyear contract extension nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).Ayon sa ulat ng ESPN, lumagda si Williams ng tatlong taong kontrata na nagkakahalaga ng US$24 milyon.
‘’Both on the floor and in the locker room, Lou exhibits many of the characteristics that we value. He is professional, committed and very competitive,’’ pahayag ni Clippers President Lawrence Frank.
Tangan ni Williams ang averaged 23.3 puntos, ngunit malakas ang ugong-ugong na iti-trade siya. Ngunit, pinabulaanan ito ng LA management.
‘’I have been on a lot of teams and a lot of times these situations don’t always go my way,’’ pahayag ni Williams, nalipat sa Clippers sa trade ng Houston Rockets para makuha si Chris Paul.
Si Williams ay 2014-15 Sixth Man of the Year awardee.