Ni Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Matapos ang halos 16 na taong pagtatago, nalaglag din sa kamay ng batas sa Cabanatuan City, Nueva Ecija ang isang umano’y illegal recruiter, nitong Lunes ng umaga.

Pinangunahan ni Supt. Ponciano Zafra, Cabanatuan City Police chief, ang pagdakip kay Carmela Alas, 53, biyuda, ng Purok Masikap, Barangay Barrera.

Si Alas ay may warrant of arrest na inilabas ni Judge Feliciano Buenaventura ng Cabanatuan City Trial Court (RTC) Branch 27 sa kasong illegal recruitment at walang inirekomendang piyansa.
Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?