Untitled-1 copy

Ni PNA

PUNTIRYA ng Philippine women’s tennis team na makabalik sa Asia/Oceania Zone Group 1 sa pagsabak sa Federation Cup Group 2 sa Pebrero 10 sa Bahrain Tennis Federation outdoor hard courts.

Pangungunahan nang nagbabalik sa koponan na sina three-time Philippine Columbian Association (PCA) champion at WTF Circuit veteran Marian Jade Capadocia at 2017 Kuala Lumpur Southeast Asian Games silver medalist Ana Clarice Patrimonio ang kopona ng bansa sa prestihiyosong torneo.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Kasama rin sina Filipino-German Katharina Lehnert at Khim Iglupas. Nakatakda silang umalis patungong Bahrain sa Biyernes.

Makakasama nila si Philippine Tennis Association (Philta) president, Atty. Antonio Cablitas, na magmumula sa Jakarta, Indonesia kung saan pinangasiwaan din niya ang matagumpay na 4-1 panalo ng Team Philippines sa Indonesia sa Davis Cup Group2 tie.

Sa record ng koponan, napagwagihan ng tambalan nina Patrimonio at Capadocia ang walong doubles match. Naitala rin ng 24-anyos na si Patrimonio ang 11 panalo sa singles match mula nang sumabak sa torneo noong 2011.

Maituturing pinakabeterano sa Fed Cup ang 23-anyos na si Capadocia, ipinagmamalaking anak ng Antique, na may markang 7-1 sa singles at 9-1 sa doubles. Bahagi siya ng koponan noong 2012, 2013 at 2014.

“Our goal is to make it back to Group 1 next year,” pahayag ni team captain Czarina Mae Arevalo, sumabak sa 32 Fed Cup tie saw along taong career sa PH Team.

“The players are determined to win, I know that they will do their best to achieve our goal,” aniya.

Nalaglag sa Group 2 ang Philippines matapos mabigo sa lahat ng laban sa Group 1 sa Astana, Kazakhstan sa nakalipas na taon.

Batay sa tournament format, sasabak sa round-robin system ang mga koponan sa Pools A at B at Pools C at D.

Maglalaban ang mga magwawagi sa bawat pool (A1 vs C1 at B1 vs D1) kung saan ang magiging kampeon y muling makakaakyat sa Group 1 sa 2019 season.

Kasama ng Philippines sa Pool B ang Kyrgyzstan at Singapore, habang ang host Bahrain, Pakistan, Indonesia at Sri Lanka ay nasa Pool D. Magkakasama sa Pool A ang Lebanon, Uzbekistan at New Zealand, habang binubuo ng Malaysia, Oman, Iran at Pacific Oceania ang Pool C.