Mga Laro sa Huwebes

(Rizal Memorial Stadium)

9 n.u. -- AdU vs UST (Men)

2 n.h. -- UP vs UE (Men)

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

4 n.h. -- FEU vs DLSU (Men)

6 p.m. – FEU vs DLSZ (Jrs Finals)

NAISALPAK ni JB Borlongon ang kaisa-isang goal para sopresahin ng University of the Philippines ang defending champion Ateneo, 1-0, nitong Linggo sa UAAP Season 80 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Nagbunyi ang crowd nang malusutan ni Borlongan ang depensa at maitala ang winning goal may 75 minuto sa laro.

Napalaban naman ng husto ang Katipunan-based booters, sa kabila nang pagkakaroon ng 10 player matapos patalsikin sa laro si Sam Lim sa ika-60 minuto ng laban.

Nauna rito, naiskor ni Jasper Absalon ang tanging goal para sa 1-0 panalo ng University of the East kontra National University, 1-0.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Red Warriors, nagwagi sa Far Eastern University, 4-0.

Magbabalik ang aksiyon sa Huwebes tampok ang duwelo ng La Salle at FEU ganap na alas-4 ng hapon, gayundin ang UP at UE sa 2:00 ng hapon, at Adamson University kontra UST sa 9:00 ng umaga.