Ni NITZ MIRALLES

THIS week na ang dating sa bansa ni Caroline Kennedy, pero hindi sinasabi ang exact date at ang kanyang itinerary.

Blind item pa nga ang report sa isang broadsheet tungkol sa kanyang pagdating at ang sinabing clue ay “iconic celebrity” ang darating sa bansa.

Ang suwerte ng mga naimbitahan to meet Ms. Kennedy, anak ng dating US President John F. Kennedy. Hopefully, tuluyan nang gumaling ang ubo at sore throat ni Kris dulot ng allergy. Isa si Kris at ang mga kapatid niya sa imbitado ni Ms. Kennedy. Kahapon, balik-trabaho na siya. Mas enjoy siyempre siyang makipag-usap sa bisita ng bansa kung wala siyang sakit.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Ang suggestion pala ni Bimby kay Kris, ikuwento niya kay Ms. Kennedy na parehong na-aasassinate ang fathers nila at parehong sa cancer namatay ang mothers nila. Sinabihan ni Kris si Bimby na hindi ang mga nangyari sa kanilang parents ang magiging topic ng usapan nila ni Ms. Kennedy.

Speaking of Kris, bukod sa Safeguard, ang Ambi-Pur ang bago niyang endorsement at may nabanggit pa itong brand ng toyo na kanyang i-endorser. Ang toyo na kaya ang pang-42nd endorsement at brand partnership ni Kris?