Ni Nitz Miralles

HIT sa viewers ang magkasunod na video post ni Ryza Cenon sa taping ng Ika-6 Na Utos. Ang unang video, kunwari’y sinasaktan niya si Direk Lore Reyes at dedicated ito sa bashers na galit daw sa kanilang director.

RYZA copy copy

“Tuwang-tuwa oh, tuwang-tuwa ang mga bashers. Para sa inyo ito, galit na galit kayo sa director namin. Ito director namin,” at sinundan ito ng, “Para sa bashers daw sabi ni Georgia. Ok na ba kayo? Nood na lang kayo malapit na matapos, eeee.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sa sunod na video, si Ryza naman bilang si Georgia ang sinaktan ni Direk Lore at para naman ito sa bashers ni Georgia. Magpakasaya raw ang bashers. Ang caption ni Ryza rito, “Aba! Aba! Teka!!! Gumanti director namin!!! Ano masaya na kayo? ‘Di pa tayo tapossss!!! #ika6nautos #playtime.”

Inaabangan ng viewers ang ending ng hit daytime program ng GMA-7 para malaman kung happy ang ending nina Rome (Gabby Concepcion) at Emma (Sunshine Dizon) at kung ano ang mangyayari kay Georgia (Ryza). Sobrang tuwa tiyak ng viewers ‘pag nasunod ang gusto nilang mag-suffer ng husto ang karakter ni Ryza, bayad sa ginawa niyang pagpapakahirap kina Rome at Emma.