Untitled-1 copy

Ni BRIAN YALUNG

Rivero Bros., Paraiso, bumitiw sa La Salle?

HINDI pa natutuldukan ang isyu sa kampo ng De La Salle Green Archers – sa kabila ng press statement na inilabas ng pamunuan hingil sa katayuan ng magkapatid na Prince at Ricci Rivero at Brent Paraiso.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa unang season ng bagong itinalagang coach na si Louie Gonzales, ang isyu ang tunay na magpapalambot sa matatag ng pundasyon ng Green Archers sa UAAP season.

Sa Facebook page ng DLSU Sports, nilinaw ng DLSU Men’s Basketball Team management ang mahigpit na pagpapatupad sa ‘policy’ kung saan pinagbabawalan ang mga players na lumagda sa sponsorship agreements sa mga commercial na produkto.

Anila, sa ganitong paraan, mas nakatuon ang atensyon ng player sa laro at sa ensayo kesya sa pagpo-promote sa produktong dinadala.

Ngunit, marami ang nagtaasan ng kilay sa naturang policy, higit at inilabas ito ilang oaras matapos magkagulo sa social media nitong Biyernes hingil sa tila pagpaparamdam ni Ricci na magaalsa balutan na sa La Salle.

Hindi kaila na isa si Ricci Rivero sa nais mapabilang sa Gilas Pilipinas program ni Manny V. Pangilinan – masugid na tagasuporta ng Ateneo – ngunit, dumistansya ang La Salle management na payagang makiensayo ang Archer star dahil nakatuon umano ang kanilang programa sa pagpapalakas sa darating na UAAP season.

Sa kabila nito, napagkikita pa rin si Ricci sa ensayo ng Gilas bilang spectator at nitong Enero 29 at kasama na niya ang kapatid na si Prince. Kasabay nito, pormal ding inendorso ng La Salle star abg isang brand ng mobile phone sa kanyang Twitter account.

Ayon sa source na direktang may kinalaman sa kaganapan, nilisan na umano ng tatlo ang La Salle quarters nitong Biyernes. Hindi man sila bahagi ng koponan sa kasalukuyan, iginiit ng source na estudyante pa rin sila ng La Salle.

Sa kasalukuyan, wala pang malinaw na pahayag ang DLSU sa posibleng paglipat ng tatlo sa karibal na eskwelahan.

Nakatakda sumabak ang Green Archers sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL) sa Feb. 8 bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa UAAP.