CAST NG 'WILDFLOWER' copy

MAGAGANAP na ang ‘wildest ending’ sa primetime TV sa pagtatapos ng hit ABS-CBN serye na Wildflower na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Sa pagkawala nina Raul (Wendell Ramos), Helena (Zsazsa Padilla), at Arnaldo (RK Bagatsing), tila umaayon ang mga tala kay Lily (Maja Salvador) sa kanyang misyon na pabagsakin ang mga Ardiente at palayain na ang mga mamamayan ng Poblacion Ardiente sa kalupitan ng mga ito. Ngunit hindi magpapatalo ng ganoon lang si Julio (Tirso Cruz III) at si si Emilia (Aiko Melendez) na sisiguraduhing pagbabayaran ni Lily ang lahat ng ginawa niya.

Sisisihin ng mga Ardiente si Lily sa pagkamatay ni Arnaldo at ipapahiya sa harap ng lahat. Iiikot siya ng mga ito sa bayan suot ang karatula na nagsasabing siya ay mamamatay-tao habang hinahagupit siya ni Emilia ng latigo. Unti-unti na sanang pumapabor sa mga Ardiente ang mga nangyayari, pero nadiskubre ng taong-bayan ang mass grave ng mga kaanak nilang pinaslang na magsisindi ng galit sa lahat.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Paano mababago ng itinatagong lihim na ito ang laban? Paano sisibol ang pag-asa sa likod ng mga paghihirap ni Lily?

Paano muling masisilayan ng Poblacion Ardiente ang liwanag matapos balutin ng matinding kadiliman?

Higit sa paghihiganti, ang Wildflower, na nilikha ng business unit na pinamamahalaan ni Ruel Bayani, ay isang makapangyarihang kuwento tungkol sa lakas ng loob, determinasyon, at tatag ng isang babaeng naghahangad ng hustisya para sa kanyang pamilya at mga kababayan. Dala ang pag-ibig at pag-asa sa kanyang puso, ipinaglalaban ni Lily ang tama nang hindi inilalagay ang batas sa kanyang mga kamay.

Nang magsimula noong Pebrero 2017 ay agad nanguna ang Wildflower sa ratings at trending din gabi-gabi sa social media. Natamo nito ang pinakamataas nitong national TV rating na 35.2% sa episode nito noong Oktubre 10 – ang pinakamataas na rating na naitala ng isang programa sa 6 PM timeslot sa loob ng nakalipas na mga taon. Ika-13 din ito sa listahan ng Kantar Media ng mga pinakapinanood na programa sa bansa noong 2017 at pinakapinanood din sa iWant TV.

Mula sa pag-eksena ni Ivy bilang bride in black hanggang sa pasabog na entrance ni Lily suot naman ang kanyang gold na gown, nagbigay-daan ang naturang mga eksena sa show para maging viral online ang iba’t ibang memes at para pag-usapan ito ng netizens.

Ginawaran na rin ng mga parangal ang programa ng iba’t ibang award-giving bodies tulad ng PMCP Star Awards for TV, LionhearTV Rawr Awards, GEMS Hiyas ng Sining Awards, at maging ng Asian Television Awards na finalist si Tirso Cruz III sa best supporting actor category.

Huwag palalampasin ang nalalabing episodes ng Wildflower, Lunes hanggang Biyernes bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167).