Ni Reggee Bonoan

NAKITA namin si Nash Aguas kasama ang ilang kaibigan habang palabas ng ELJ Building ng ABS-CBN nitong Huwebes ng hapon at nagulat nang sabihan namin ng, “Nash, ang sama-sama mo!” Kasi nga alam niyang paborito namin siya.

NASH copy copy

“Bakit po?” nagtatakang tanong ng bagets. “Ah, kasi sa The Good Son?”

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Pinuri rin siya ni Ateng Maricris Nicasio ng, ‘Oo nga. Pero ang galing-galing mo talaga, Nash,’ at nagpasalamat naman ang aktor.

Kagagaling lang daw ni Nash sa meeting para sa project na ididirehe niya. Kamakailan, nasulat na namin na magdidirek siya (umere na sa ABS-CBNmobile) ng series na Coffee Break.

Kinumusta rin namin ang bakasyon niya sa Amerika kasama ang mommy at kapatid niya.

“Okay naman po, sobrang masaya magkakasama kami,” nakangiting sagot ni Nash.

Sinulit niya ang pagpasyal sa nanay at kapatid sa iba’t ibang lugar sa Amerika bukod sa San Francisco kung saan nakatira ang pamilya ng daddy niya.

Masaya ring nabanggit ni Nash na apat na ang branches ng kanyang Muramen Noodle House na kinalolokohan ngayon sa University Belt, Manila at Makati City. Kakabukas naman ng branch sa Blanco Drive Seaside Homes sa Dumaguete City noong Enero 7.

“Meron din po sa Cavite at soon sa Market! Market! Sa Taguig,” masayang sabi ng aktor.

‘Ang layo naman,’ sabi namin, ‘baka puwede sa Cubao area.’

“Sige po, maglalagay din tayo ro’n,” nakangiting sagot ng binatilyo.

Grabe, Bossing DMB sa edad na 19, ang dami nang accomplishment ni Nash. Bagay din sa kanya ang titulong The Good Son dahil simula nang magkahiwalay ang mga magulang niya ay siya na ang tumayong padre de pamilya. Kaya naman walang tigil ang biyayang dumarating sa aktor, bukod sa career bilang artista at direktor ay lumalago na negosyo niya.

Ang pamilya ni Nash ang inspirasyon ni Nash na, take note, walang love life.