Ni Rommel P. Tabbad

Simula bukas, Pebrero 2, ay ipatutupad na ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang P15 dagdag na babayaran sa mga dokumentong inilalabas nito sa publiko.

Ayon sa PSA, hanggang ngayong araw na lamang iiral ang P140 bayad sa bawat kopya ng mahahalagang papeles, katulad ng birth certificate, certificate of marriage (Cemar) at certificate of no marriage (Cenomar).

Mas mataas pa rin ang bayad para sa mga nagre-request ng delivery: P330 sa kada kopya ng copy issuance requests, at P430 sa kopya ng Cenomar.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kung sa ibang bansa naman ang delivery, magbabayad ng $20.30 sa copy issuance requests, at $25.30 naman sa Cenomar.

“The increase in fees is pursuant to Section 12 of BIR Revenue Regulations No. 4-2018 - Rules and Regulations Implementing the Documentary Stamp Tax Rate Adjustment Under Republic Act No. 10963, Otherwise Known as the Tax Reform For Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law,” anang PSA.