Ni Light A. Nolasco

ZARAGOZA, Nueva Ecija - Patay ang isang 87-anyos na lalaki matapos na masagasaan ng isang humaharurot na motorsiklo sa Sta. Rosa-Tarlac Road sa Barangay Pantoc sa Zaragoza, Nueva Ecija, nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ng Zaragoza Police ang biktimang na si Leoncio Camus, biyudo, ng nasabing barangay.

Bahagya namang nasugatan ang motorcycle rider na si Allan Balagtas, 51, binata, ng Bgy. Papaya, San Antonio; at ang angkas niyang si Michael Sta. Ana, 19 anyos.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 4:50 ng umaga at tinatahak si Balagtas ang highway sakay sa Rusi motorcycle (CC-60402) nang bigla umanong tumawid ang matanda at nabangga ng motorsiklo.