Switzerland's Roger Federer makes a backhand return to Croatia's Marin Cilic during the men's singles final at the Australian Open tennis championships in Melbourne, Australia, Sunday, Jan. 28, 2018. (AP Photo/Ng Han Guan)

MELBOURNE, Australia (AP) — Nakubra ni Roger Federer ang ika-20 Grand Slam singles title nang magapi ang matikas na si Marin Cilic, 6-2, 6-7 (5), 6-3, 3-6, 6-1, sa Australian Open final nitong Linggo.

Matapos ang apat na taong pagkabakante sa major tournament, nasungkit ni Federer ang ikatlong titulo sa huling limang major championship.

Matikas ang simula ng 36-anyos na si Federer at sa kabila nang ratsada ni Cilic ay nagawang mangibabaw sa laban na ikinalugod ng full-packed crowd sa Rod Laver Arena.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Umabot sa 29 minuto ang third set nang laban at mas naging maigting ang duwelo sa fourth set para maipuwersa ang fifth set. Kaagad na nakuha ni Federer ang 2-0 bentahe sa fifth set ang tuluyang nadomina si Celic tungo sa makasaysayang tagumpay.

Tangan ni Federer ang 8-1 bentahe sa kanilang head-to-head duel ni Celic. Ang tanging panalo ng Croatian ay sa semifinals ng 2014 US Open na napagtagumpayan ni Celic.