TINANGGAP ng mga nagwagi (mula kaliwa) UCPB bank manager Emmanuel Asi (5th place), Information Technology head Joselito Cada ng Social Housing Finance Corporation (4th place), Senior specialist Talent Acquisition Ali Guya (3rd place), Board Member James Gamao-Infiesto ng National Council on Disability Affairs (2nd place), at Engineer Benjamin Esquejo (champion), ang mga tropeo mula kina Philippine Executive Chess Association (PECA) founding president Atty. Cliburn Anthony Orbe, Dr. Jenny Mayor, at Dr. Alfred Paez .

NANGIBABAW ang husay at galing ni Engr. Benjamin “Benjie” Esquejo nang makamit ang kampeonato sa 2018 Alphaland National Executive Chess Championship nitong Sabado.

Nakipag-draw siya kay United Coconut Planters Bank (UCPB) bank manager Emmanuel Asi sa 7th at final round para maisemento ang kanyang status bilang pinakamainit na woodpushers sa naturang dibisyon.

Sa katunayan may limang manlalaro na nakapagkamada ng tig 5.5 puntos subalit nasikwat ni engr. Esquejo ang korona matapos na mas mataas ang kanyang break points kontra kina 2nd place Board Member James Gamao-Infiesto ng National Council on Disability Affairs, 3rd place Senior specialist Talent Acquisition Ali Guya, 4th place Information Technology head Joselito Cada ng Social Housing Finance Corporation at 5th place Asi.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“Thanks God for the victory it’s really a hard game dami malakas. Halos lahat pa ng natapat sa akin ay top seed. Thanks sa organizer ng executive chess.” said engr. Esquejo.

Lahat sila ay nakatanggap ng tig P5,400 each plus elegant trophies. Mismong sina Philippine Executive Chess Association (PECA) founding president Atty. Cliburn Anthony Orbe, Dr. Jenny Mayor at Dr. Alfred Paez ang nanguna sa closing rites.Si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) chairman/president rep. Prospero “Butch” Pichay Jr. ang nagrenda naman ng opening ceremony.

Sina Esquejo, Infiesto , Guya, Cada, Asi kasama si 6th placer Orbe ay aabante sa grand finals sa taong ito. Ang susunod na next leg sa Peb 24 sa nasabi pa ding lugar.

Ang mga hinirang na category winners ay sina Social Worker Adrian Orozco (top 2000 and below), Professor Artemio Ocio (top 1800 and below) at engr. Allan Diez (top senior).

Para sa dagdag detalye, makipag-ugnayan sa sa mga sumusunod na numero: 0918-897-4410, 0921-272-8172 at 0935-100-4755.