Hinimok ng mga miyembro ng Kamara ang local government unit (LGU) ng world-famous Boracay sa Aklan na seryosohin ang kanilang regulation duties o mawawalan ng kinang ang island resort.

Naniniwala sina Samar 1st district Rep. Edgar Mary Sarmiento at Valenzuela City 1st district Rep. Wes Gatchalian na ito lamang ang tanging paraan para matigil ang pagkasira ng Boracay, na sa loob ng maraming taon at naging malaking tourist attraction ng Pilipinas.

“This representation believes that really, we have to start enforcing now the law. Because ulitin natin, siguro you might have the number of tourists coming into Boracay, but what you might be getting ay ‘di na po quality [tourism] because of the problems you have right now,” sinabi ni Sarmiento sa pagdinig kamakailan ng House Committee on Tourism.

Idinirekta niya ang kanyang komento kay Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawaling, na dumalo sa pagpupulong.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Pinamunuan ni Leyte Representative Lucy Torres Gomez, tinalakay ng komite ang House Resolution (HR) No. 1087 ni Sarmiento, na naglalayong tukuyin ang mga dapat gawin ng gobyerno para mapigilan ang pagkasira ng Boracay. - Ellson A. Quismorio