Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(FilOil Flying V Center)

8:00 n.u. -- San Sebastian vs Lyceum (Jrs)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

9:30 n.u. -- San Sebastian vs Lyceum (M)

11 n.u. -- San Sebastian vs Lyceum (W)

12:30 n.h. -- Mapua vs JRU (W)

2:00 n.h. – Mapua vs JRU (M)

MAKAMIT ang ika-apat na sunod na panalo na magluluklok sa kanila sa solong ikatlong puwesto ang pupuntiryahin ng season host San Sebastian College sa pagtutuos nila ng Lyceum of the Philippines University sa unang women’s game ng NCAA Season 93 volleyball tournament ngayon sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Magtutuos ang Lady Stags at ang Lady Pirates ganap na 11:00 ng umaga pagkatapos ng dalawang laro sa pagitan ng kani -kanilang juniors (8:00 am) at men’s (9:30 am) squads, ayon sa pagkakasunod.

Huling tinalo ng tropa ni coach Roger Gorayeb na lumalabang mayroon lamang pitong players ang Letran para sa ikatlong dikit nilang panalo na muling pinangunahan ni Joyce Sta.Rita.

“Mahirap kasi wala kaming pamalit. Pero proud ako sa mga bata kasi lumalaban pa rin sila, “ pahayag ni Gorayeb.

Sa panig naman ng Lady Pirates, magsisikap ang mga itong makamit ang ikalawang panalo sa kanilang ikapitong laro para makaangat sa kinalalagyang pang-anim na puwesto kapantay ng Emilio Aguinaldo College na may markang 1-5.

Samantala sa tampok na women’s match, sisikapin ng Jose Rizal University na patuloy na buhayin ang pag -asang makatuntong ng Final Four sa unang pagkakataon sa pagsagupa nito sa winless pa ring Mapua ganap na 12:30 ng hapon.

Nasa ika-4 na posisyon kasalo ng College of St. Benilde Lady Blazers ang Lady Bombers na may patas na barahang 3-3.