MELBOURNE, Australia (AP) — Isang panalo ang layo ni Roger Federer para sa ika-20 Grand Slam singles title.

Nakabalik muli sa championship match ng Australian Open ang Swiss superstar nang magretiro ang karibal na si Hyeon Chung sa kanilang semifinal duel nitong Biyernes.

Tangan ng defending champion ang 6-1, 5-2 bentahe nang magdesisyon si Chung na sumuko bunsod nang walang patid na kirot sa namaltos na kaliwang paa.

Makakaharap ni Federer sa finals si No.6 seeded Marin Cilic ng Croatia sa Linggo.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I’ve played with blisters in the past ... and it hurts a lot,” sambit ni Federer, sasabak sa kanyang ika-30 major final. “At some point, you can’t go on.

“This one feels bittersweet — I’m happy to be in the finals, but not like this. He’s had an incredible tournament.”

Nagapi ni Federer si Cilic, ang 2014 U.S. Open champion, sa huli nilang paghaharap sa championship ng Wimbledon sa nakalipas na taon.

Sa hindi inaasahang kaganapan, nasira ni Federer ang nilulutong istorya para sa unang pagkakataon na walang ‘Big Four’ sa finals. Mula noong 2005 tanging sina Federer, Rafael Nadal, Novak Djokovic at Andy Murray ang naglalaban sa finals. Nitong 2014, nakasingit si Stan Wawrinka ng gapiin si Nadal.