Ni Fer Taboy

Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isa sa mga tinaguriang “most wanted” ng gobyerno, ang asawa ni Abdullah Maute, sa Cotabato, iniulat kahapon ng pulisya.

Sa report na tinanggap ni CIDG Director Roel Obusan, nakilala ang suspek na si Engr. Najiya Dilangalen Karon Maute, ikalawa sa wanted list ng Department of National Defense (DND).

Ayon sa ulat, nadakip si Maute ng mga operatiba ng militar at ng CIDG sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), at itinanggi na sangkot siya sa Marawi siege dahil lamang sa kaanak niya ang Maute Brothers.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Inihayag ng CIDG si Najiya ay asawa ng napatay na si Abdullah Maute, na kasama ang kapatid na si Omar ay sinalakay ang Marawi City noong Mayo 23, 2017, hanggang sa mapatay ng puwersa ng gobyerno makalipas ang limang buwan.

Nakapiit ngayon sa CIDG si Najiya Maute, at patuloy na iniimbestigahan.