Ni Leonel M. Abasola

Iginiit ni Senador Nancy Binay sa National Food Authority (NFA) na pag-aralan ang posibilidad ng pagkakaroon ng import permit dahil sa nakaambang kakulangan sa supply ng bigas ngayong Abril. 

“The NFA should make sure that the government’s rice stock always meets the 15-day stockpile requirement. Also, since the agency is expecting the rice imports to be delivered in April or May, it should make sure that we have ample supply of rice should the need arise earlier,” paliwanag ni Binay.

Inihayag din ni Binay na dapat magkaroon ng pagdinig hinggil sa kalagayan ng supply ng bigas sa bansa at pag-aralan kung paano matutulungan ang NFA na mapabilis ang proseso ng pag-aangkat ng bigas, lalo na kapag may bagyo at mahina ang ani.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Una nang inamin ng NFA na may kakulangan sa stock ng bigas.