TATANGGAP bilang major awardee ang dalawang world champions at pro basketball coach sa gaganaping SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night.

melindo copy

Makakasama ng Team Manila, dating International Boxing Federation (IBF) light-flyweight title holder Milan Melindo, at ni three-time Coach of the Year Leo Austria ang pito pang atleta na pagkakalooban ng pagkilala dahil sa kanilang tagumpay at kontribusyon sa sports.

Nakamit ng 18-under Blue Girls, na pinangangasiwaan ni coach Ana Santiago, ang Pony International 18-U Girls Softball World Series sa California, habang nagpakitang gilas si Melindo bago ang kabiguan sa unification bout.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tatanggapin naman ni Austria, arkitekto sa dynastiya ng San Miguel Beer sa PBA, ang pro basketball award na ipagkakaloob ng pinakamatandang media organization sa bansa sa Gabi ng Parangal na suportado ng MILO at Cignal TV.

Nakatakda ang Gabi ng Parangal sa Feb. 27 sa Maynila Hall ng makasaysayang Manila Hotel.

Nasa listahan din ng major awardee sina cager Thirdy Ravena (amateur basketball), tracksters Eric Shauwn Cray, Mary Joy Tabal, and Trenten Anthony Beram, car racer Masato Fernando (motorsports), gayundin sina jockey John Alvin Guce (Jockey of the Year), at Triple crown winner Sepfourteen (Horse of the Year). Itinataguyod ang programa ng Philippine Sports Commission (PSC) tat suportado ng Mighty Sports, Rain or Shine, Globalport, at Philippine Basketball Association (PBA).

Makakasama nila sa iisang stage ang ‘Athlete of the Year’ awardee na sina world champions Jerwin Ancajas (boxing), Krizziah Lyn Tabora (bowling) at Carlo Biado (billiards).

Ginapi ng Team Manila ang dating kampeon na Central Hernet Xplozion, 7-1, sa championship match ng World Series sa Diamond Valley Park para tanghaling unang koponan sa Asia na nagwagi sa torneo, ayon kay Rodolfo Tingzon Sr., founder ng Pony sa bansa.

Nasungkit naman ni Melindo ang IBF title belt via first-round TKO kontra Akira Yaegashi sa Ariake Colosseum sa Tokyo, Japan. Nagawa niyang maidepensa ang korona kay Hekkie Budler via uanimou decision sa Waterfront Casino and Hotel in Cebu.