Sampung katao ang napaulat na nasugatan nang magkaroon ng stampede sa loob ng isang shopping mall sa Angeles City, Pampanga nitong Biyernes ng gabi.

Tinukoy sa media reports ang pahayag ni Angeles City Police-Station 1 chief Senior Insp. Edwin Laxamana na inakala umano ng mga tao na putok ng baril ang tunog ng pagsabog ng battery ng ginagawang electronic cigarrete na umalingawngaw sa mall pasado 7:00 ng gabi.

Dahil sa pagpa-panic, binasag pa umano ng isang babae ang salaming dingding ng isang fast food restaurant para makalabas, at nagsisunuran sa kanya ang iba pa kaya umabot sa 10 ang nasugatan, ayon sa media reports.

Kaagad namang nadala sa pagamutan ang mga nasugatan, ayon pa rin sa mga ulat.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakasaad sa media reports na tiniyak ng pamunuan ng mall na sasagutin nito ang pagpapagamot sa mga biktima.

Nabatid na magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa insidente ang pamunuan ng mall, ayon sa media reports.