Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY – Isang drug surrenderer ang naaresto sa umano’y pagtutulak makaraang makorner sa buy-bust operation sa Block 8, Barangay San Nicolas, Tarlac City, nitong Huwebes ng hapon.

Pinangunahan ni Insp. Wilhelmino Alcantara, sa superbisyon ni Tarlac City Police chief Supt. Bayani Razalan ang pag-aresto kay Marlon Bacsan, alyas “Wawa”, 33, ng Sitio Pangulo, Bgy. Carangian, Tarlac City.

Nakuha umano mula kay Bacsan ang isang transparent plastic sachet na may 0.027 gramo ng hinihinalang shabu kapalit ng P500 marked money.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Habang iniimbestigahan ay nakumpiskahan pa umano si Bacsan ng dalawang transparent plastic sachet, na may 0.076 gramo ng shabu, at isa pang transparent plastic sachet na may 2.113 gramo ng hinihinalang dried marijuana leaves, at cell phone.