BALIK sa pagiging coach si Frankie Lim sa kampo ng University of Perpetual Help System Dalta para sa susunod na NCAA basketball season.

Mismong si UPHS owner Antonio Tamayo ang nagpahayag sa bagong appointment ni Lim bilang kapalit ni coach Nosa Omorogbe na nagdesisyon na magbalik sa Nigeria bunsod ng problema sa pamilya.

“He (Omorogbe) returned home because of family problems,” pahayag ni Tamayo.

Bahagi na si Lim ng Las Pinas-based school’s basketball program bilang consultant, ngunit ang pagatras ni Omorogbe ang naging daan para magdesisyon ang pamunuan na ibigay sa kanya ang coaching job.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ginabayan ni Lim ang San Beda sa tatlong NCAA title bago ito nagdesisyon na magbalik sa PBA kung saan naging coach din siya ng Purefoods TJ Hotdogs.

“It’s a process. But that’s the goal,” pahayag ni Lim, patungkol sa unang kampeonato para sa Altas.

Gagabayan na ni Lim ang Perpetual Help laban sa Che’Lu Bar and Grill sa pagsisimula ng PBA D-League Aspirants Cup sa Lunes sa Pasig City Sports Center.