Ni Beth Camia

Nilinaw ng Department of Budget and Management (DBM) na sa 2020 pa maaaring makapagpatupad ng panibagong umento o dagdag-sahod ng mga public school teacher.

Ito ang naging pahayag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa gitna ng napaulat na nais ni Pangulong Duterte na dagdagan ang sahod para sa mga guro, kasunod ng umentong ibinigay sa mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel.

Ayon kay Diokno, may salary increase na ang mga guro para sa kasalukuyang taon dahil sa ikatlong tranch ng Salary Standardization Law (SSL)-4, habang sa 2019 naman ipatutupad ang ikaapat at huling SSL tranch.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon kay Diokno, maliban sa SSL-4, tataas din ang take-home pay ng mga guro dahil sa mababawasang income tax na nakapaloob sa Tax Reform and Acceleration for Inclusion (TRAIN) law.