Ni Gilbert Espeña

WINALIS ni Omar Modalay ang lahat na nakatunggali tungo sa perfect 5.0 puntos para angkinin ang titulo ng 2018 sportsman Wilfredo “Willy” Felix kiddies chess tournament na ginanap sa Beaver Street Village East, Cainta Rizal nitong Lunes.

Magkasama naman nagkamada ng tig 4.0 na puntos sina Amer Alonto at Marjaan Mikunug para magsalo sa ika-2 hanggang ika-3 puwesto sa event na inorganisa ni G. Bong Buto.

Nasa ika-4 hanggang ika-5 puwesto naman sina Alrafi Gubat at Yasser Matuan at nakamit ng eight year old na si Datu Salik ang youngest participant award. Ang iba pang lumahok ay sina Ashya Alonto, Abdul Ghaffor Ringia, Al Yasser Andawe at Prince Salik.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!