Ni Yas D. Ocampo

Patay ang apat na miyembro ng isang pamilya makaraang matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Mantarawod 2, Purok Bulawanon sa Barangay Tandik, Maragusan, Compostela Valley nitong Linggo ng gabi, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Kabilang sa mga nasawi sina Hazel S. Magallanes, tatlong taong gulang; at Joey Magallanes, isang taong gulang; at ang mga magulang nilang sina Reymond Magallanes, 29; at Rowena Sajulan, 22 anyos.

Nakaligtas naman sa insidente ang 11-anyos na kapatid ni Rowena na si Alvin Tiin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gumuho ang lupa sa lugar bunsod ng patuloy na pagbuhos ng ulan habang tinatayang aabot sa P40,000 halaga ang napinsala sa dalawang bahay na natabunan, ayon sa MDRRMO.