Ni BELLA GAMOTEA

Kalaboso ang dalawang binatilyo makaraang makumpiskahan ng 25 pakete ng hinihinalang marijuana na umano’y naaktuhang nire-repack nila sa Makati City, nitong Linggo ng hapon.

Dinala sa pangangalaga ng Makati Social Welfare and Development Office (MSWDO) habang hinihintay pa ang resulta ng determination of discernment bago kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165) ang isang 17-anyos na lalaking estudyante na taga-Barangay San Isidro; at isang 16-anyos na lalaking estudyante na taga-Bgy. Pio Del Pilar, Makati.

Sa ulat ng Makati City Police, nadakip ang dalawang suspek sa Dian Street sa Bgy. San Isidro dakong 5:30 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Unang nakatanggap ng tawag ang desk officer ng pulisya mula sa 911 Code 0196 kaugnay ng dalawang binatilyong nagre-repack umano ng hinihinalang marijuana sa lugar.

Nakumpiska umano mula sa dalawang binatilyo ang apat na malakaki at selyadong plastic sachet na naglalaman ng hindi mabatid na dami ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana; 11 medium-sized sealed transparent plastic sachet na may hinihinalang marijuana; 10 maliliit na pakete na may lamang hinihinalang marijuana; drug paraphernalia; isang iPhone 5 cell phone; isang garapon na may lamang hinihinalang marijuana; dalawang plastic sando bag; isang itim na pouch bag; isang plastic water pipe; isang pakete ng plastic sachet; isang Mineski Infinity computer membership card; at apat na P50 bills.