Kumpiyansa si Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus G. Dureza na muling maisusulong ang prosesong pangkapayapaan ngayong taon sa ibang paraan, sa kabila ng kabiguan ng usapang pangkapayapaan sa mga rebeldeng komunista.

Sa isang panayam sa telebisyon kamakailan, binigyang-diin ng presidential peace adviser na hindi nagtatapos ang proseso sa pagwawakas ng negosasyon sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) dahil “there are many other paths to peace.”

“The work of OPAPP is to look for ways and means to move the peace process forward,” ani Dureza. “You have to deal with a culture of peace in the communities. You have to work for social healing of broken relationships because of conflict. You have to take care of victims of conflict. There are many ways.” - Francis T. Wakefield

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente