Warriors, nakabawi; Cavs, tuloy sa pilapil.

MILWAUKEE (AP) — Olats, tapos bawi.

Muling nakaiwas ang Golden States Warriors sa banta ng ‘back-to-back’ na kabiguan nang dominahin ang Milwaukee Bucks sa 13-4 run sa krusyal na sandali ng final period tungo sa 108-94 panalo nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Hataw si Kevin Durant sa naiskor na 26 puntos, tampok ang limang sunod sa impresibong scoring run sa huling limang minuto, habang tumipa si Draymond Green ng 21 puntos para maisalba ang Warriors sa banta ng kabiguan.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Hindi nakalaro si ywo-time MVP Stephen Curry busnsod ng injury sa tuhod. Laban sa Los Angeles Clippers nitong Huwebes, naunsiyami ang pagdiriwang ni Durant sa nakopong scoring mark na career 20,000 nang mabigo sa kulang sa starter na karibal.

Nahila ni Durant ang bentahe sa 96-90 mula sa mid-range jumper, bago nasundan ng three-pointer may 2:15 ang nalalabi sa laro tungo sa ika-11 sunod na panalo sa road game.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo sa Bucks sa natipang 23 puntos.

PACERS 97-CAVS 95

Sa Indianapolis, nakabalik mula sa 22 puntos na pagkakadapa ang Indiana Pacers para agawin ang makapigil-hiningang panalo laban sa Cleveland Cavaliers.

Kontrolado ng Cavaliers ang tempo ng laro tangan ang 34-12 bentahe sa first period. Ngunit, nakabawi ang Pacers sa second half at agawin ang panalo sa nasopresang karibal.

Kumubra si Darren Collison ng 22 puntos mula sa 9 of 11 shooting para mapatatag ang karta ng Pacers sa 22-20. Nag-ambag si Victor Oladipo ng 19 puntos, habang humirit si Lance Stephensonng 16 puntos.

Sumabak ang Cavs na wala sina All-Stars Dywane Wade at Isaiah Thomas, gayundo sina one-time MVP Derrick Rose at Iman Shumpert. Nagsalansan si LeBron James ng 27 puntos, 11 assists at dalawang rebounds na kakulangan para sa triple-double, habang kumubra si Kevin Love ng 21 puntos para sa ikatlong sunod na kabiguan ng Cavs at ika-17 sa 43 na laro.

NUGGETS 87, GRIZZLIES 78

Sa Denver, ginapi ng Denver Nuggets , sa pangunguna nina Will Barton na may 17 puntos at Trey Lyles na may 16 puntos, ang Memphis Grizzlies para putulom ang three-game losing skid.

Nag-ambag si Nikola Jokic ng 14 puntos at siyam na rebounds para sa Denver.

Nanguna si Marc Gasol sa Memphis na may 22 puntos at 11 rebounds, habang tumipa sina Tyreke Evans at James Ennis III ng tig-12 puntos.

NETS 110, HAWKS 105

Sa Atlanta, naunsiyami ang pagdiriwang ng Hawks fans nang masilo ng Brooklyn Nets.

“We’ve had a little bit of a losing streak and we had some heartbreaking losses followed up obviously by the very poor showing against Detroit,” sambit ni Spencer Dinwiddie, nanguna sa Nets na may 20 puntos, 10 assists at siyam na rebounds.

“To come out here and take Atlanta’s best shot and still come away with the victory is big-time.”

Nag-ambag si Jahlil Okafor ng 17 puntos para sa Nets.

WOLVES 118, KNICKS 108

Sa Minneapolis, kinapos lamang ng isang assist si Karl-Anthony Towns para sa ikalawang career triple-double matapos makaiskor ng 23 puntos, at 15 rebounds sa panalo ng Timberwolves kontra sa New York Knicks.

Nakahirit si Taj Gibson ng 17 puntos at kumubra si Andrew Wiggins ng 16 puntos para sa ikaapat na sunod na panalo at ika-11 sa huling 14 na laro.

Nanguna si Kristaps Porzingis sa Knicks sa naiskor na 17 puntos, habang naitala ni Enes Kanter ang ika-18 career double-double na may 16 puntos at 11 rebounds.

Sa iba pang laro, kumubra ng tig-30 puntos sina Bradley Beal at John Wall para sandigan ang Washington Wizards sa 125-119 panalo kontra Orlando Magic; habang ginapi ng Charlotte Hornets ang Itah Jazz, 98-88.