Ni Bella Gamotea

Patay ang isang aircon technician matapos umanong aksidenteng mahulog sa mataas na hagdanan nang tangkaing ayusin ang air-condition condenser sa isang apartment sa Makati City, iniulat kahapon ng Southern Police District (SPD).

Dead on arrival sa St. Luke’s Medical Center ang biktimang si Joven Palomares y Sajol, 23, air-condition technician at nakatira sa 2417 Bell Street, Barangay San Isidro, Makati City.

Sa ulat na ipinarating ni SPD director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., naganap ang insidente sa No. 717 Aruga Serviced Apartment na matatagpuan sa Amorsolo Drive, Rockwell Center ng nasabing lungsod, bandang 2:04 ng hapon nitong Miyerkules.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

Sa pahayag ni Jowey Garcia, saksi, kasama niya si Palomares sa pagpunta sa No. 717 Aruga Service Apartment, at dito inakyat ng biktima ang hagdanan upang ayusin ang air-condition condenser.

Ayon kay Garcia, biglang nahulog si Palomares sa semento kaya agad siyang humingi ng tulong sa mga guwardiya.

Isinugod ang biktima sa nasabing ospital, ngunit binawian ng buhay bandang 2:30 ng hapon.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.